Your Facebook Status is Gay as Shit!

April 23, 2012 - 2:30pm

Ano bang meron? Bat muka atang napapadami sa mga kalalakihan ngayon ang nag lalagay sa status nila sa Facebook na “I’m Gay” okaya naman minsan naka all capital letters pa, “I’M GAY”. Para daw siguro mas madama natin ang pagiging bakla at ang pag amin nila sa kanilang tunay na kasarian o siguro yun iba sadyang napindot lang nila yun caps lock at tinamad ng ayusin ang status nila. Minsan pa nga ang hahaba ng status eh, yun tipong humihingi pa ng paumanhin kase hindi daw nila kaagad inamin na bakla daw talaga sila, mga ganun ba…yun tipong pang makata yun dating pati yun tipong…ah basta! Siguro naman gets niyo na ang punto ko. Pero kadalasan naman kase ng mga nag popost nun ay yun mga “straight” talaga na lalake. Hindi ko lang talaga ma-gets ang trip nila, kase syempre sa Facebook madaming makakabasa na inaamin mong bakla ka kahit hindi naman talaga. Okaya naman siguro talagang bakla lang sila? Hindi naman ako homophobic na tao, hinahangaan ko nga si Freddie Mercury eh, kaso hindi ko lang talaga ma-gets yun trip nila. Ang kadalasan ko din kaseng nakikitang mga nag popost ng mga ganito ay…

Yun mga nang liligaw

Yun mga may katampuhan sa kanilang girlfriend

Yun mga nakipag break sa kanilang girlfriend

Yun mga na-dump ng kanilang girl na friend

Yun mga bigo sa pag ibig

Okaya kung ano pang may connection sa magulo at komplikadong pag ibig. Naalala ko tuloy dati yun sumikat na rap nun 2009. Yun “Nag mahal ako ng bakla” by Dagtang Lason. Alam mo naman siguro yun kantang yun, lagi panga pinapatugtog sa mga jeep pati fx yun eh. Pero kung mayaman ka naman at hindi ka nag cocommute, siguro naman panigurado naririnig mo pa rin dati sa mga radio yun…ah basta! Osige nanga para sa mga hindi nakaka alam ng kanta, ito kakantahin ko na lang para sa inyo…ehem! One! Two! Three! GO!

♫ ♪ ♫ Mga tambay lang kami sawa sa babae
may mga babaeng manloloko
pineperahan lang kami
kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
masarap mag mahal ang bakla
ohh kay sarap…damhin ♫ ♪ ♫

Hehehe, oh ano naalala mo na? Ayan yun chorus ng kanta, pero kung hindi mo pa din alam taena hanapin mo na lang sa YouTube! :p

Osige mag balik na ulit tayo sa ating topic medyo napapa layo na tayo. Base on my own theory, kaya siguro kase sila nag popost ng mga ganung status kase…hmmmmm, sa totoo lang wala talaga akong idea kung bakit nila ginagawa yun, hehe sorry. Hindi ko alam kung ano ba ang pumapasok sa kanilang mga malilibog na kokote. Basta ito lang ang masasabe ko para sa mga lalakeng makakabasa nitong blog ko. Kahit mag status pa kayo sa Facebook niyo okaya naman kahit mag tweet pa kayo sa Twitter niyo na mga bakla kayo, hindi yan ang magiging solution o ang magiging sagot sa kung ano pamang problema sa buhay niyo kung di ginagawa niyo lang mga TANGA ang sarili niyo, kase para sa akin…

Ang tunay na lalake, hinaharap ang kanilang mga problema sa buhay (Hindi yun mag papakabading ka na lang, hehe! What a fucking loser).

Ang tunay na lalake marunong umiyak (Hindi yun mag papakabading ka na lang, hehe! What a fucking loser). Kung mabigat talaga ang mga problema mo sa buhay mo okaya naman talagang broken hearted ka, sige lang wag mo pigilang ilabas yang mga luha mo okaya naman kung nahihiya kang umiyak sa harap ng ibang tao kase sa tingin mo makaka sira yun sa reputation ng pagiging lalake mo. Ang gawin mo na lang pag umulan lumabas ka ng bahay niyo tapos saka ka umiyak, ika nga ng isang sikat na quote na nabasa ko I love walking in the rain because no one can see me crying.” -Rowan Atkinson a.k.a Mr. Bean. Pati hindi naman masama sa isang lalake ang umiyak, basta wag nga lang sosobra! Ayun lang ang pangit dun syempre, kalalake mong tao pero iyakin ka? Tang ina mo na lang kung ganun.

Ang tunay na lalake, umiinom ng alak kapag broken hearted (Oo alam ko hindi nakakatulong ang alak sa problema pero at least hindi naman yun tulad ng mag papakabading ka na lang na parang tanga sa Facebook, hehe! What a fucking loser).

Pero paano nga naman kung talagang bakla pala talaga sila at gusto lang talaga nila aminin okaya ma-express ang nararamdaman nila sa public kase matagal na nila itong kinikimkim sa kanilang sarili? Well kung ganun talaga, odi congratulations! At least inamin nila di ba? Kumbaga nag pakatotoo lang sila. Kung ganun mabuti yun! Pati kung ganun ito pakinggan niyo itong kantang ito! “Ituloy mo lang” by Siakol. Promise maganda lyrics nyan panigurado makaka-relate kayo sa kantang yan ;3

Pero paano naman kung yun iba eh lalake naman talaga? Pero ang totoo ay nag papakabading lang sila kase broken hearted daw sila? Aba ewan ko na lang saka nila! Mga putang ina na lang nila! Haha! :D