Summer Erections! It’s more fun in the Philippines!

April 12, 2012 - 4:00pm

Mga advantages sa kalagitnaan ng kainitan tuwing summer sa Pilipinas! :3

1. Libreng SAUNA! Kahit saan ka mag punta para kang nasa luob ng sauna, pag papawisan ka kahit naka tunganga ka lang, pwera na lang kung naka aircon o naka tapat sayo ang electric fan.

2. Mabilis matuyo ang mga damit sa sampayan at mas mabango, hindi tulad kapag tag ulan, ang hirap mag patuyo ng mga nasa sampayan at minsan may pagkakataon pa na mangamoy kulob yun mga damit mo sa sampayan.

3. Nag lalabasan ang mga tindero at tindera ng mga halo-halo kaya hindi mo na kailangan pa mag pagasolina ng kotse o mag commute papunta sa pinaka malapit na branch ng chowking sa area niyo.

4. Para sa mga lalakeng dumidiskarte, kung sakaling nagkaruon kayo bigla ng awkward moment ng dinidiskartihan mo, yun tipong napag kwentuhan niyo na halos lahat ng topic na pwede niyong mapag kwentuhan kaya wala na kayong mapag usapan at tatahimik nalang kayo bigla. Pero dahil sa init ng panahon, pwede mong ibanat sa dinidiskartihan mo na “Ang init eh noh? Ito oh papaypayan nalang muna kita” sabay ngingiti ka na parang model ng colgate pampadagdag pogi points.

5. Para sa mga babaeng dinidiskartihan, kung sakaling nagkaruon kayo bigla ng awkward moment ng dumidiskarte sayo, yun tipong habang nag kwekwento sayo si guy eh bigla kang nautot kaya bigla kayong natahimik dahil sa sobrang lakas at baho ng utot mo. Pero dahil sa  init ng panahon, pwedeng ibanat sayo ng dumidiskarte sayo na “Ang init eh noh? Ito oh papaypayan nalang muna kita” sabay ngingitian ka na para siyang model ng colgate pampadagdag pogi points although bukod pa sa “for the sake lang na maging gentleman siya sa iyo” eh talagang nabahuan din kase talaga siya sa utot mo kaya kanya pinaypayan, para mataboy yun masamang aura ng hangin na tumatambay sa ilong niyo.

6. Nababawasan ang mga nagaganap na child abortion. Pag mainit kase eh minsan ang mga mag syota o ang mga mag asawa ay nawawalan ng ganang makipag sex. Ang dahilan eh mainit na nga daw tapos mag papainit pa sila, baka ma-heat stroke lang daw sila at nakakatamad buksan ang aircon, magastos daw sa kuryente. Pero depende pa din, may mga hardcore kase na kahit sobrang init eh gagawin at gagawin parin pag nag papadala sila sa init ng mga katawan nila, kaya ayun magugulat ka na lang makakapanuod ka bigla sa t.v na may balita na may natagpuan na bangkay sa loob ng kotse, namatay daw sila habang nag sesex. Ang dahilan ng kanilang pagkamatay? Eh di siyempre ano pa ba? Odi “na-heat stroke”. True story.

7. Nagkakaruon ng milagro, dahil ang mga taong hindi mahilig maligo at naging panira ng pasko mo dahil sa sobrang lakas ng putok, yun tipong ang lalakas ng putok kahit hindi pa bagong taon. Ngayon sinisipag na din maligo sa wakas ang mga walang hiya! [^_^]

8. Libreng tanning salon! Kung kasing puti mo ang kili kili ni Hayley Williams at gusto mo maging kasing itim ng mga libag sa pusod mo, umistand by ka lang sa labas ng bahay niyo ng mga…siguro mga 5 minutes lang okay na. Kahit wag kana mag lakad lakad, kahit naka tayo ka lang o kung gusto mo pang mag relax pwede din. Uminom ka ng malamig na milo habang nasa labas ka ng bahay niyo. Pag lipas ng limang minuto pumasok ka na sa loob ng bahay niyo sabay tumingin ka sa salamin. Mapapangiti ka nalang dahil ang unang papasok sa isip mo, sasabihin mo “kulang na lang mag pa kulay ako ng buhok para kamuka ko na rin si Dennis Rodman”. (Oo alam ko exaggerated ako! Pero sa sobrang init ng panahon ngayon ganun ang mga na-iimagine ko kapag natatapat ako sa sinag ng araw)

9. Swimming. Ewan ko wala na din kase ako maisip eh. Tinayp ko lang sa search bar ng Google “summer fun” tapos mga letrato ng mga nag swiswimming sa beach o sa pool yun mga nagsi labasan na letrato. Wala tayong paki alam kung magka sun burn man tayo o hindi basta nasa tradition na siguro natin na mag swimming tuwing summer sa pilipinas. Kaya ayun panigurado pinagkakaabalahan nanaman ng iba na maka punta ng Boracay, bukod pa sa gustong mag palipas ng oras sa beach, gusto din magamit ang mala kapangyarihan na “shades”. Pang boso sa mga naka two-piece na chicks, if you know what I mean ;D

10. Gaganahan ka na gumawa ng blog. Sa sobrang init tatamarin ka na lumabas ng bahay. Kaya itong mga binabasa mo ngayon ay mga katanghang isip lamang ng aking imahinasyon dala ng aking kabagutan. Wala akong pake alam kung sang ayon ka sa akin o hindi, wala akong oras para makipag debate sayo kung totoo ba ito lahat ng mga pinag susulat ko dito o hindi! BASTA AKO MALILIGO NA AKO! PUNYETA ANG INIT!